Tagalog news: Pangulong Rodrigo Duterte, bibisita sa Palawan ngayong araw

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 6 (PIA) — Nakatakdang bumisita ang Pangulo ng bansa Rodrigo Roa Duterte sa lalawigan ng Palawan ngayong araw.

Ang pagdalawa ng Pangulo ay base na rin sa imbitasyon ng pamunuan ng Western Command (WESCOM) sa pamumuno ni Lt. Gen. Raul E. Del Rosario bilang Commander.

Ayon sa pamunuan ng WESCOM, ang pagdalaw ng Pangulo dito ay upang personal na makaharap nito at maka-usap ang mga kasundaluhan sa Palawan sa pamamagitan ng tinaguriang ‘Talk to Men’.

Sa nakatakdang pagdating ng Pangulo ay inaasahang sasalubungin ito ng mga lokal na opisyal ng Palawan sa pangunguna ni Gobernador Jose Chavez Alvarez at ng tatlong House Representative ng Palawan na sina Rep. Gil P. Acosta, Sr. ng 3rd District, Rep. Frederick F. abueg ng 2nd District at Rep. Franz Josef E. Alvarez ng 1st District.

Sa panig naman ng mga militar, pangununa ni Brig. Gen. Romeo Dela Cruz, Wing Commanding ng Philippine Airforce ang pagsalubong sa Pangulo sa pagdating nito sa Antonio Bautista Air Base (ABAB), kasama sina Col. Robert Velasco, Chief of Staff ng WESCOM, PA Jose Maria Nicomedes F. Hernandez at P/C Supt. Wilben M. Mayor, Regional Director ng Philippine National Police-Police Regional Office MIMAROPA.

Hihintayin at sasalubungin naman ang Pangulo sa pagdating nito sa Headquarters Building ng Camp General Artemio Ricarte ni WESCOM Commander Lt. Gen. Raul L. Del Rosario at ng mga kasamahan nito.

Agad na tutungo ang Pangulo sa bagong conference room ng WESCOM para sa isasagawang briefing dito hinggil sa kalagayan ng Kalayaan Group of Islands, mga panukalang proyekto at development ng nasabing lugar. Si ComWescom del Rosario din ang magsasagawa ng briefing sa Pangulo.

Susundan ito ng tree planting ng Pangulo sa WESCOM Headquarters ground kung saan isang punong Narra ang itatanim ng Pangulo at papangalanan itong Dutertree, ngunit ang aktibidad na ito ay ika-klaro pa kung matutuloy, ayon kay Media Accreditation and Relation Officer Elvie Delos Santos.

Pagkatapos nito ay tutuloy na ang Pangulo sa WESCOM Gymnasium para sa ‘Talk to Men’ kung saan tinatayang nasa 500 kasundaluhan mula sa iba’t-ibang hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang makakaharap ng Pangulo.

Isa naming boodle fight ang inihanda ng WESCOM sa pagtatapos ng pagbisita ng Pangulo.

Inaasahang magtatagal ang Pangulo ng halos dalawang oras dito sa Palawan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s