Tagalog news: Aplikasyon para sa GIP ng DSWD Mimaropa, bukas hanggang Abril 10

LUNGSOD QUEZON, Abril 6 (PIA) — Hanggang Lunes, Ika-10 ng Abril, tatanggap ng aplikasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Mimaropa para sa mga gustong mag-intern sa ilalim ng Government Internship Program( GIP).

Bahagi ng Kabataan 2000 program, ang GIP ay naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga kabataan, pati sa mga Out-of-School-Youth, na maranasang magtrabaho sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan.

Matututo na ang mga intern ng mga gawaing pang-opisina, kikita pa sila sa loob ng isang buwan pang-tustos sa kanilang pag-aaral.

Mag-uumpisa ang internship mula sa ika-17 ng Abril hanggang sa ika-29 ng Mayo ngayong taon.

Bawat intern ay tatanggap ng arawang sahod na Php 214 (Php 6,400 sa kabuuan).

Ang internship sa GIP ay bukas sa mga single na nagkakaedad na 18 – 25 taong gulang, high school graduate, sertipikado ng TESDA o kaya ng Alternative Learning System ng Department of Education, mga miyembro ng Pag-asa Youth Association of the Philippines, mga kabataang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipinong Program at ang mga kabataan nabibilang na mahirap na pamilya alinsunod sa Listahanan.

Sa mga mag-aaply sa GIP, magpadala ng application letter, certificate of indigency, pinakahuling school registration; at kopya ng mga identification cards ng mga aplikante at ng kanilang mga magulang o guardian sa pinakamalapit na tanggapan ng DSWD-Mimaropa o kaya ipadala sa email address na ito: amandy_nieves@yahoo.com.

Ang mga matatanggap ay ipapadala sa Oriental Mindoro (12 interns); sa Occidental Mindoro (12); Marinduque (8); Romblon (14), Palawan (19) at sa DSWD-Mimaropa Field Office (15). (LP/DSWD-Mimaropa)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s