Tagalog news: Kultura at kasaysayan ng Odiongan, makikita sa isang exhibit

ODIONGAN, Romblon, Abril 5 (PIA) — Kasabay ng selebrasyon ng ika-177 pagkakatatag ng bayan ng Odiongan ngayon,, binuksan sa publiko ang isang photo exhibit sa Provincial Tourism Office na salamin ng kultura at kasaysayan ng naturang bayan.

Makikita ang mga lumang larawan ng mga naging alkalde ng bayang nabanggit magmula sa pinakaunang nahalal na punong bayan hanggang sa kasalukuyang nakaupo sa pwesto.

Kahanga-hanga rin ang mga damit na gawa ng mga kilalang designers sa Odiongan at ilang mga lumang kagamitan na naka-angkla sa kasaysayan ng Odiongan kung saan ay masisilayan ng mga papasok sa nasabing exhibit.

Para sa mga gustong bumisita para alamin ang kasaysayan ng Odiongan, bukas ang eksibisyon tuwing ika-8:00 ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s