Tagalog news: Tsunami drill, napakahalaga sa mga baybaying kumunidad

CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 03 (PIA)— Dahil ang bayan ng San Agustin ay nasa dalampasigang bahagi ng isang isla, maaring maharap ang bayan sa panganib ng tsunami tulad ng nakakaraming islang lalawigan.

Ang tsunami, sa pagsasalarawan ng PhiVolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology)ay ang sunod-sunod na pagdating nga mga malalaking alon sa dalampasigan dulot ng lindol sa ilalim ng dagat.

Maaring humigit pa sa limang metro ang maaring itaas ng mga along tsunami depende sa lakas ng lindol.

Kamakailan lang, ayon kay Maria May M. Maestro ng San Agustin Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang mga opisyal ng Barangay Lusong ay nakipagtulungan sa pamunuan ng Severina M. Solidum Memorial Elementary School para sa pagdaraos ng Tsunami Drill.

Nilalayon ng tsunami drill ay para sanayin ang mga bata at guro sa paglikas sa evacuation area kapag mayroong tsunami alert o malakas na lindol sa dagat.

“Pumunta sa mataas na lugar, malayo sa dagat para hindi maabutan ng tsunami,” payo ni Bb. Maestro sa lahat ng kababayan aabutan sa dalampasigan o malapit sa baybayin sa sandaling magkaroon ng alerto ng tsunami.

Mabilis ang tsunami: may mga pagkakaroon na wala pang kalahating oras ay darating ang sunod –sunod na dambuhalang alon.

Kaya importante na maintindihan ng mga kababayan ang ilang mga senyales ng paparating na tsunami: (1) May naramdamang lindol sa mga kumunidad sa baybaying dagat; (2) biglaang pagbaba ng level o pag-atras ng tubig sa dalampasigan; (3) napakalakas na pagdagundong (tunog ng paparating na alon).

Kapag ang mga kundisyong ito ay naganap, payo ng mga disaster manager agad lumikas ang mga kababayan sa mataas na lugar. (LP)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s