Tagalog news: TESDA-Mimaropa, nagkaloob ng proyektong dormitoryo sa paaralan sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 31 (PIA) — Isinagawa kamakailan ang groundbreaking ceremony sa itatayong dormitoryo na may kapasidad na 200-bed na handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Mimaropa para sa Puerto Princesa School of Arts and Trades (PPSAT).

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng Php6.5 milyon mula sa pondo ng TESDA na ipinagkaloob sa PPSAT dahil sa magandang serbisyo nito sa mga mamamayan ng Palawan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa ng ahensya.

Tinuran ni TESDA-Mimaropa Regional Director Carlos Flores na bahagi lamang ito ng suportang ipinagkakaloob ng pamahalaan upang mas lalo pang maging kapaki-pakinabang at mai-angat ang serbisyo ng lalawigan maging ng buong rehiyon.

“Hangad natin na mapansin ng pamahalaang nasyunal at mga mamumuhunan ang ating serbisyo”, ani Flores.

Dagdag pa ng opisyal, “gusto nating patunayan sa Pamahalaang Nasyunal na ang serbisyo ng Mimaropa ay may kalidad, may kaya tayong gawin at mahusay ang ating mga graduates”.

Samantala, binanggit din ng direktor na nakatakdang magkaloob ang TESDA sa PPSAT ng shcholarship program na nagkakahalaga ng Php1.6 milyon na kanilang dadalhin sa pagbabalik ng opisyal sa lalawigan.

Hindi na rin kakailanganin pang dumaan sa proseso ng bidding ang programa dahil magiging otomatiko na itong ipatutupad sakaling mai-gawad ang suporta sa PPSAT. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)




Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s