Tagalog news: Insentibo ng mga BHW at Barangay Tanod ng Puerto Princesa, isinusulong

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 31 (PIA) — Sa pamamagitan ng isang panukalang ordinansa, isinusulong ngayon ni Konsehal Nesario Awat ng sa Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa na mabigyan ng mga kaukulang benepisyo ang mga Barangay Tanod at Barangay Health Workers (BHW) ng lungsod.

“Napapanahon na para i-institutionalize na ang tulong sa mga BHW at mga tanod dahil sila ang mga frontliners natin, dapat maging komprehensibo ang maging benepisyo ng mga ito”, ani Awat.

Nakasaad sa panukala na mabigyan ng Php1,000 ang bawat BHW at Tanod bilang insentibo kada buwan, maliban pa sa tulong medikal para sa mga ito na nagkakahalaga ng Php5,000 sakaling magkasakit dahil sa ginagampanang tungkulin sa barangay.

Bukod dito, hangad din ng panukala na maibilang sa mga benepisyaryo ng scholarship program ng Pamahalaang Lungsod ang mga anak ng mga ito.

Gayunpaman, ani Konsehal Awat, nakasalalay parin sa laki ng pondo ng lokal na pamahalaan ang laki ng benepisyong kanilang matatanggap.

Sa kasalukuyan, maliban sa maliit na halagang natatanggap ng mga BHW mula sa pondo ng barangay, wala ring ano mang benepisyong natatanggap ang mga ito na maaari nilang magamit para sa kanilang seguridad habang gumaganap sa kanilang serbisyo.

Samantala, pag-aaralan pa sa kinauukulang komite ang panukalang ordinansa bago tuluyang mapagtibay ng konseho. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s