Tagalog news: Ika-18 Anibersary ng Palawan Prov’l Farm Family, isasagawa sa Narra, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 30 (PIA) — Isasagawa sa bayan ng Narra ang ika-18 taon ng Provincial Farm Family sa Abril 1-3, 2017, ayon sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Kasabay nito ang pagsasagawa ng Provincial Farm Family Forum na may temang “Samahan sa Kanayunan, Kaagapay sa Likas na Pagsasaka, Produksyon na Ligtas Para sa Pagkain ng Pamilya”.

Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa Center Point Municipal Hall ng bayan ng Narra.

Ayon kay Dr. Romeo Cabungcal, officer-in-charge ng OPA, ang farm family ay binubuo ng mga pamilya na ang pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka at pangingisda.

Ito ay kinabibilangan ng Farmers’ Association, Rural Improvement Club, 4-H Club at Fisherfolks Association.

Layon nito na magtipon-tipon ang bawat pamilya ng magsasaka at mangingisda sa buong lalawigan upang lalong mapalakas ang sektor ng agrikultura sa Palawan.

Inaasahang mahigit sa 200 miyembro ng farm family ang lalahok sa nasabing pagpupulong na magmumula sa iba’t-ibang munisipyo ng lalawigan.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng OPA ang naturang gawain upang maging masaya ang gagawing pagtitipon.

Ilan sa mga inihandang aktibidad ay mga paligsahan na lalahukan ng mga partisipante at ang paggawad ng Outstanding Farmer at Fisherman bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagganap sa larangan ng agrikultura sa Palawan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s