Tagalog news: Earth quake drill, isasagawa sa munisipyo ng San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon. Marso 30 (PIA) — Mangunguna ang bayan ng San Agustin sa pagdaraos ng sabayan at malawakang earthquake drill sa buong Mimaropa.

Sa mismong munisipiyo gaganapin ang pagsasanay sa ika-31 ng Marso.

Kapag lumindol, mag-duck, cover and hold (yuko, tago at kapit). Ito ang paalala ng San Agustin Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Romblon sa mga kababayan sa sandaling yumogyog ang kanilang paligid.

Ang earthquake drill sa San Agustin ay inaasahang lalahukan ng lahat ng kawani ng munisipiyo, mga manininda ng kalapit na commercial complex at empleyado ng iba pang ahensiya maging pribado man o pampubliko.

Ayon kay Maria May M. Maestro, MDRRMO Assistant ng San Agustin, nakipagpulong sa kanila ang kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang linawin pa ang mga detalye ng kanilang pagsasanay.

Nilalayon ng earthquake drills na sanayin ang mga kababayan sa mga wastong pagkilos gaya ng “duck, cover and hold” para iwas-pinsala.

Halimbawa, nararapat batid ng mga kababayan kung saan parte ng kanilang lugar, sa tanggapan man o sa tahanan, magtatago sa sandaling mangyari ang lindol.

Ang pagtataguan ay dapat madaling puntahan at matibay para mabagsakan man ay protektado ang mga katawan sa disgrasya.

Mahalaga ang pagkapit sa pagtataguan gaya ng mga hita ng lamesa upang maiwasan ang pagusog habang lumilindol.

Kung nasa kalsada, takpan o proteksyunan ang ulo at umiwas sa mga poste, puno at maging mga may mga salaming bintana o pintuan.

Sa earthquake drills, nasusubukan ang mga plano ng mga lokal na pamahalaan hinggil sa tamang paglikas, saan lilikas, anong aakmang responde at kung sino ang mga unang aaksyon.

Nakapagsagawa na ang San Agustin MDRRMO ng Earthquake Drill sa mga paaralan tulad ng San Agustin Central School (Brgy. Dubduban), Bachawan Elementary school, Carmen Elementary School at Holy Rosary Academy. (LP)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s