Tagalog news: Serbisyo publiko ng LGU OrMin, ibinaba sa bayan ng Pinamalayan

PINAMALAYAN, Oriental Mindoro, Mar 29 (PIA) – Muling isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ang Kapitolyo Para sa Mamamayan (KPSM) Serbisyo Ora Mismo sa bayan ng Pinamalayan kamakailan.

Ang bayan ng Pinamalayan ang unang dinalhan sa taong 2017 ng iba’t ibang serbisyong panlipunan ng pamahalaang panlalawigan at ng iba pang mga ahensya ng pamahalaang nasyunal.

Pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., kasama ang tanggapan ni Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado, at ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang paghahatid ng mga serbisyo ng KPSM sa mga barangay ng Pili, Sta. Isabel, Cacawan, Buli, Lumambayan, Ranzo, Guinhawa at Banilad.

Sa programang ginanap sa Lumambayan Elementary School, ipinaliwanag ng gobernador na ang konsepto ng nabanggit na programa ng kanyang pamunuan ay dalhin sa malalayong barangay ang mga serbisyo ng Kapitolyo. Hindi na, aniya, kailangang pumunta pa sa Kapitolyo dahil ang Kapitolyo na ang bumababa sa mga barangay.

Sa ngalan ng kanyang kababayan, taus-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Mayor Aristeo Baldos, Jr. sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagdadala ng mga serbisyo ng Kapitolyo na kailangang-kailangan ng kanyang mga kababayan.

Sa serbisyong medikal, 294 na katao ang nabigyan ng libreng konsultasyon. Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Health Office na kinatawan ni Chief of Hospital Dr. Marpheo E. Marasigan ng Oriental Mindoro Provincial Hospital sa pakikipagtulungan sa Pinamalayan Municipal Health Office at Oriental Mindoro Medical Society.

Umabot naman sa 151 ang libreng na-check up at nabunutan ng ngipin sa pamamagitan ng mobile dental clinic ng Kapitolyo sa tulong ng Oriental Mindoro Dental Society at Philippine National Police Regional Health Services. Libre rin ang gamot na naipagkaloob sa 376 indibidwal.

Mayroong 138 ang napakain sa libreng soup kitchen, 125 ang naging kliyente ng Philhealth, limang indibidwal ang humingi ng konsultasyong legal sa Provincial Legal Office (PLO), 23 aso ang nabakunahan kontra-rabies at 37 kalabaw, baka at kambing ang napurga ng Provincial Veterinary Office samantalang 45 na katao ang nakadalo sa film viewing ng iba’t ibang livelihood program ng Investment and Enterprise Development Division ng Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO).

Nagkaroon din ng blood letting activity ang Pinamalayan Municipal Health Office.

Umabot naman sa 40 katao ang nakakuha ng mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) samantalang nagbigay ng Drug Awareness Symposium ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga barangay tanod ng walong barangay.

Pinangunahan din ng gobernador ang pamamahagi ng sports equipment mula sa Office of the Governor, Special Concerns Division at vegetable seeds na nagmula naman sa Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) sa kapitan ng 37 barangay ng Pinamalayan.

Namahagi rin ng sports equipment mula naman sa Education and Employment Services Division Office of the Governor, Education and Employment Services Division sa 45 na paaralang elementarya at sekondarya. Nagkaloob din ng gamit sa pangingisda sa 9 na barangay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nakiisa sa gawain sina BFAR Provincial Director Atty. Ruperto Alforque, PSA Regional Director Lenie Rioflorido at mga myembro ng Sangguniang Bayan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s