Tagalog news: Meat processing, itinuro sa mga miyembro ng kooperatiba sa Calatrava, Romblon

CALATRAVA, Romblon, Marso 28 (PIA) — Nabigyang kaalaman sa pangkabuhayan ang 18 na mga miyembro ng ARYA Coconut Farmers Association MPC at The Lamb Shall Lead International sa “training on meat processing” na ginanap kamakailan sa Municipal Hall ng bayan ng Calatrava, Romblon.

Ang “training on meat processing” ay naglalayong makapagbigay ng mga pagsasanay sa mga kooperatiba ng magsasaka at magkaroon ng pagkakataong makapagsanay ng libre kaugnay sa mga bagong teknolohiya sa pagpoproseso, produksiyon at pagkakakitaan.

Ang libreng pagsasanay ay pinangunahan ng dalawang eksperto mula DOST-FNRI na sina Josefina T. Gonzales at Filipiniana B. Bragas sa pakikipagtulungan ng Provincial Science and Technology Center (PSTC) – Romblon at LGU Calatrava.

“Hangad po natin na mabigyan ng kabuhayan ng lahat ng ating mamamayan upang makatulong sa kanilang pangangailangan. Sa pamamagitan ng ganitong training na ibinibigay ng DOST-FNRI, matututo ang ating mga kababayan sa paggawa ng iba’t ibang produkto mula sa karne na kanilang pagkakakitaan o maaaring nilang ibenta,” pahayag ni Mayor Marieta F. Babera.

Ang mga kalahok ay dalawang araw na tinuruan ng wastong paraan sa pagpoproseso ng skinless longganisa (pork and chicken), tocino, corned beef at beef tapa upang magamit nila ang kanilang natutunan sa paghahanapbuhay at pagtatayo ng kanilang sariling negosyo.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s