Tagalog news: Tulong pambarangay, muling ipinamahagi sa Socorro, OrMin

SOCORRO, Oriental Mindoro, Mar 27 (PIA) – Namahagi ng 500 sako ng semento ang pamahalaang panlalawigan sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Socorro.

Ito ay bahagi ng programang pambarangay ng pamahalaang lokal na may layuning matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa iba’t ibang barangay.

Sa pinakahuling pamamahagi ng pamahalaang panlalawigan, benepisyaryo nito ang may siyam na barangay ng nasabing bayan.

Ang mga sako ng semento ay naipamahagi sa mga barangay ng Batong Dalig, Happy Valley, Mabuhay I, Monteverde, Matungao, Leuteboro II, Leuteboro I, Zone III at Malugay.

Ang naturang mga semento na gagamitin sa iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura ay makakatulong sa pag-unlad ng kani-kanilang mga barangay. (PIO/LCT/PIAOrMin/PIAR4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s