Tagalog news: Proyektong pabahay para sa mga kawani ng LGU OrMin, sisimulan na

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 27 (PIA) – Sisimulan na ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang housing project nito para sa mga empleyado ng kapitolyo.

Sa direktiba ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. na pasimulan na ang programang pabahay para sa mga empleyado, nakatakda nang gawin ng Provincial Engineer’s Office (PEO) ang land development at fencing sa lupang pagtatayuan ng proyekto sa Brgy. Suqui, Lungsod ng Calapan.

Ayon sa gobernador, nasa mahigit 200 slots ang nakalaan para sa mga interesadong kawani ng pamahalaang panlalawigan. Pangunahing kwalipikasyon dito ang pagiging permanent employee. Sa proyekto, hangad ng gobernador na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon naman kay Provincial Engineer Elmer V. Dilay, kasalukuyan nang pinoproseso ang ibang mga kinakailangang dokumento upang ganap nang masimulan ang naturang proyekto. Dagdag pa niya, nasa may P5 milyon ang halaga ng isasagawang land development na sisimulan ngayong taon. Sa tantiya niya, nasa tig-143 metro kwadrado ang laki ng bawat lote na maaaring maipagkaloob sa mga nais kumuha nito.

Samantala, binisita ng Kapitolyo Para Sa Mamamayan (KPSM) News Team ang nasabing lokasyon na pagtatayuan ng housing project. Ayon kay Engr. Ronnie Baculo, isa sa mga nangangasiwa ng naturang proyekto, maganda ang lokasyon na napili ng pamahalaang panlalawigan na pagtatayuan ng naturang pabahay. (LTC/CPRSD/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s