Tagalog news: Pagdiriwang sa tagumpay laban sa pagmimina, isinagawa sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 27 (PIA) – Isang pagdiriwang sa tagumpay ng Alyansa Laban sa Mina (ALAMIN) ang isinagawa sa Riceland II, Calapan City, kamakailan.

Ang pagdiriwang ay matagumpay na naisagawa ng iba’t ibang sector ng lipunan matapos ang halos dalawang dekada ng pakikipaglaban ng mga ito sa malawakang pagmimina sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ito ay bunsod ng pagkansela ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Regina Paz Lopez ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at ng Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) ng Intex Mineral Resources Corporation.

Muling nagkasama-sama ang mga kinatawan ng iba’t ibang civil society organization sa lalawigan na patuloy na nagkakaisa laban sa banta ng pagmimina.

Dumalo sa nasabing gawain sina Gobernador Alfonso V. Umali Jr., Bise Gobernador Humerlito A. Dolor, Bishop Warlito Cajandig ng Apostolic Vacariate of Calapan, Calapan City Mayor Arnan C. Panaligan, Fr. Edwin A. Gariguez ng CBCP Caritas Filipinas Inc., dating Victoria Mayor Alfredo Ortega Jr. at iba pang personalidad na may mahalagang ginampanang papel sa usapin ng paglaban kontra mina.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Gob. Umali ang lahat sa patuloy na pagkakaisa sa pagkontra sa pagmimina sa lalawigan na nagbunga sa kanselasyon ng MPSA at ECC ng INTEX matapos ang mahabang panahon.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa naging malaking papel ni Sec. Lopez sa kanselasyon ng ECC at MPSA ng nasabing korporasyon. Nanawagan din siya ng suporta sa lahat ng mamamayan upang tuluyang makansela ang mga pagmimina sa lalawigan.

Binanggit pa ng gobernador ang mga programang nakahanay sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan tulad ng P100 milyon People’s Survival Fund. Gayundin ang pasasalamat niya sa pagkakaisa at suporta ng Sangguniang Panlalawigan sa pagpasa ng 25-year Mining Moratorium at Small Scale Mining Moratorium.

Pinasalamatan at binigyan ng plake ng pagkilala ang mga nagsakripisyo sa laban kontra-mina, partikular ang 25 hunger strikers sa pangunguna ni Fr. Gariguez. Pinangunahan din ng gobernador ang unveiling ng advocacy posters na ipamimigay sa mga paaralan at pamayanan sa lalawigan.

Nagpahayag naman si Bishop Cajandig ng kagalakan dahil sa kabila ng pagtanda ng marami sa kasama sa usapin ng anti-mining, patuloy ang pakikipaglaban ng mga ito. Nanawagan din ang Obispo para sa partisipasyon ng mga kabataan sa mga gawain hinggil sa proteksyon ng kalikasan.

Ayon naman kay Fr. Gariguez, marami nang nangyari sa ALAMIN, mula taong 1997 hanggang 2017. Nagpapasalamat siya sa muling pagsasama-sama sa pagkakataong iyon. Mensahe niya ang paglingon nang may pasasalamat at patanaw ng pag-asa sa hinaharap.

Sa kanyang pananalita, sinabi naman ni Bise-Gob. Dolor na hindi nagbabago ang kanyang paninindigan sa usapin ng paglaban sa mina mula pa noong una siyang manungkulan bilang SK Chairman hanggang sa pagiging Bise-Gobernador ng lalawigan sa kasalukuyan.

Nanawagan naman si Calapan City Mayor Panaligan na maging eternally vigilant ang lahat upang bantayan ang tagumpay na nakamit ng lalawigan sa usapin ng pagkansela ng ECC at MPSA sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s