Tagalog news: Odiongan Municipal Police Station, nagsagawa ng feeding program

ODIONGAN, Romblon, Mar 27 (PIA) — Ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ay nagsagawa kamakailan ng libreng feeding program para sa mga lactating mothers bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 27th Women’s Month.

Humigit kumulang 20 ina sa Barangay Budiong ang nakatanggap ng libreng pagkain at ilang grocery items mula sa mga kapulisan sa pakikipagtulungan local government unit ng Odiongan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Trina Firmalo-Fabic.

Bago sinimulan ang pagpapakain sa mga kananayan ay nagbigay muna ng overview patungkol sa 27th Women’s Month Celebration si PO2 Lizel C. Firmalo, Focal Person on Gender and Development PNCO sa harap ng mga dumalong ina.

Ayon naman kay PO3 Chesyl F. Garcia, Asst. Police Community Relations PNCO, ang selebrasyon ng 27th Women’s Month ay para ma-empower ang mga kababaihan sa lahat ng asepto ng buhay alinsunod sa tema ng selebrasyon ngayong taon na ‘We Make Change Work for Women.”

Dagdag pa ni PO3 Garcia, lahat ng babae dapat ay malaman kung ano ang tinatawag na “Magna Carta of Women.”

Nagpasalamat naman ang mga nanay na nakatanggap ng grocery items at masaya nilang pinagsaluhan ang libreng pagkain na kaloob ng Odiongan MPS.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s