Tagalog news: 26th Anibersaryo ng PNP Mimaropa, ipinagdiwang

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 27 (PIA) ā€“ Matagumpay na ipinagdiwang ng Philippine National Police (PNP) Police Regional Office-Mimaropa (PRO-Mimaropa) ang kanilang 26th Foundation Day sa Camp Efigenio C. Navarro, Lungsod ng Calapan noong nakaraang buwan.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing okasyon si Gob. Alfonso V. Umali, Jr.

Sa kanyang pananalita, binati niya ang PRO-Mimaropa sa major accomplishments nito partikular ang pagsugpo sa iligal na droga. Ayon sa gobernador, hanga siya sa dedikasyon na taglay ng mga kapulisan upang mapanatili ang mababang insidente ng krimen sa lalawigan. Aniya, “generally peaceful” pa rin ang Oriental Mindoro kumpara sa ibang lugar na talamak ang krimen.

Naging tampok din sa okasyon ang pagpaparangal ng gobernador sa mga pulis na nagpamalas ng dedikasyon at pagiging tapat sa tungkulin. Medalya ng Kasanayan (PNP Efficiency Medal) ang iginawad sa 13 pulis.

Ipinahayag naman ni PNP Regional Director Police Chief Superintendent Wilben M. Mayor na bumaba ang bilang ng krimen sa lalawigan ng Oriental Mindoro at sa buong rehiyon ng Mimaropa. Ayon kay Mayor, sa nakaraang taon, nakaaresto ang kanilang tanggapan ng 1,354 na kriminal kung saan 149 ang Most Wanted Persons. Higit pang pinaigting, aniya, ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Nanawagan din ang PNP Regional Director na ipagpatuloy ang pagpapakita ng mabuting halimbawa ng mga kasapi ng PNP at ipakita sa mga mamamayan na buhay pa rin ang kabayanihan partikular na sa PRO-Mimaropa. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s