Tagalog news: TESDA Romblon, nagbibigay ng free certificates para sa mga kababaihan

ODIONGAN, Romblon, Mar 24 (PIA) — Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Romblon Provincial Office ay nagkakaloob ng libreng National Certificates (NCs) o Certificates of Competency (COC) para sa mga kababaihan ng Romblon na nakapasa sa National Competency Assessment ng TESDA.

Ang hakbang na ito nasabing ahensiya ay bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ngayong Marso 2017.

Ang pagbibigay ng nasyunal na sertipiko ng TESDA ay sinimulan noong ika-10 ng Marso at ito ay magtatagal ng hangang ika-31 ng Marso 2017.

Kaugnay nito, tinatawagan ng pansin ng TESDA Romblon ang lahat ng mga kababaihang nakapasa sa National Assessment na magsadya lamang sa TESDA Romblon Provincial Office na matatagpuan sa Servañez Commercial Building, Liwayway, Odiongan, Romblon.

Kinakailangan lamang dalhin ng mga ito ang resulta ng Assessment na kanilang kinuha (Competency Assessment Result Summary) at passport ID (white background, with collar) upang maiproseso ang kanilang NC II o Certificates of Competency (COC) sa naturang tanggapan.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s