Tagalog news: ‘No tour guide, no travel’ policy, ipatutupad sa Coron, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 24 (PIA) — Hihigpitan na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Coron ang pagpapatupad ng ‘No tour guide, no travel’ policy para sa lahat ng sektor ng turismo sa lugar.

Ito ay resulta ng ipinababang kautusan ng Pamahalaang Bayan nang pulungin nito ang lahat ng mga ahensiyang may kinalaman sa pagpapatakbo ng turismo.

Bunsod nito, hindi na papayagang mamasyal ang mga turista na hindi dumadaan sa mga travel and tours at walang kasamang tour guide.

Nag-ugat ang nasabing paghihigpit nang mangyari ang insidente ng pagkalunod ng dalawang Czech National sa pamosong Kayangan Lake kamakailan na ikinasawi ng mga biktima.

Nabatid na nalunod ang dalawa matapos na sisirin ang tubig ng Kayangan na may lalim na 21.8 metro na hindi gumamit ng tangke para magsilbing hangin habang nasa ilalim.

Napag-alaman din na walk in lamang ang mga ito at walang kasamang tour guide nang sumisid sa lawa.

Samantala, mas naging aktibo rin ngayon ang Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRR), Municipal Tourism Office (MTO) at iba pang ahensya ng pamahalaan para ipatupad ang mahigpit na pagbabantay sa mga turistang namamasyal sa mga lugar na destinasyon ng mga ito. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s