Tagalog news: Mimaropa Regional Offices, ililipat na sa Lungsod ng Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 24 (PIA) – Inaasahan na sa Mayo 2018, nakalipat at operational na ang mga panrehiyong tanggapan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng Mimaropa sa Lungsod ng Calapan.

Ang Lungsod ng Calapan ang magsisilbing Regional Government Center ng Mimaropa.

Sa ulat ni Provincial Planning and Development Officer Lydia Muñeca S. Melgar sa regular na pagpupulong ng Management Committee ng kapitolyo kamakailan, sinabi niya na ang lungsod ng Calapan ay pormal nang magiging Regional Government Center (RGC) ng Mimaropa ayon sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10879, ang batas na kumikilala sa rehiyong Mimaropa.

Ang IRR ay inihanda ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagtatatag ng Regional Government Center alinsunod sa Section 5 ng RA 10879 at nilagdaan noong Disyembre 6, 2016.

Alinsunod naman sa Section 4 ng IRR ng nasabing batas, ang Regional Development Council (RDC) ay magbubuo ng RGC management committee na siya nang mangangasiwa sa paglilipat ng mga panrehiyong tanggapan sa Lungsod ng Calapan.

Ang RA 10879 na kumikilala sa rehiyong Mimaropa mula sa dating tawag na Rehiyon IV-B ay nilagdaan noong Hulyo 17, 2016 ayon sa Artikulo VI, Seksyon 27 ng Konstitusyon ng Pilipinas. (LTC/CPRSD/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s