Tagalog news: Dalawang RORO Port, nakatakdang itayo sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 24 (PIA) — Aprubado na sa Committee on Environmental Protection and Natural Resources ng Sangguniang Panlalawigan ang application for endorsement para sa Forest Land Use Agreement (FLAg) ng dalawang Roll-On Roll-Off (RORO) Port Project sa Palawan.

Ayon kay Committee Chairman, Palawan 3rd District Board Member Albert Rama, walang dahilan para maantala ang mga ganitong uri ng proyekto dahil bahagi ito ng adhikain ng pamahalaang panlalawigan na mailapit at makonekta ang Palawan sa ibang mga lalawigan sa bansa.

Ang dalawang RORO Port ay nakatakdang itayo sa Barangay Borac, bayan ng Coron at Barangay San Fernando sa munisipyo ng El Nido, Palawan. Dagdag ni Rama, malaking ang maitutulong ng proyektong ito sa pagpapalakas pa ng industriya ng turismo ng lalawigan at dagdag hanapbuhay at pagkakakitaan sa mga mamamayan ng Palawan.

Inaasahan na sa lalong madaling panahon ay masisimulan agad ang proyekto dahil sa halos kumpleto na ani Rama ang isinumiteng requirements ng aplikante na hindi na nito pinangalanan pa. Tanging ang social acceptance na lamang mula sa mga residente sa mga lugar na nabanggit ang kailangan upang tuloy-tuloy ng umusad ang nasabing proyekto. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s