Tagalog news: AFP, hangad maging kasapi ang mga katutubo

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 24 (PIA) — Nagpapatuloy ngayon ang pangangalap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga katutubo sa mga pamayanan upang maging kasapi ng kanilang hanay.

Ito ang tinuran ni Kalihim Delfin Lorenzana ng Department of National Defense (DND) sa kanyang pagbisita sa Palawan kasabay ng ika- 40 anibersaryo ng Western Command .

Ani Lorenzana, hangad nilang maging katuwang ang mga katutubo sa pagsawata sa mga rebeldeng grupo sa kanilang pamayanan lalo pa’t ang mga katutubong komunidad ang madalas na hinihikayat ng grupo tulad ng New People’s Army (NPA).

“Madalas unang pinupuntahan ng mga NPA ang mga katutubo sa mga bulubundukin, kaya mas makabubuti kung sila ang magiging kabalikat natin sa pagsugpo sa masamang gawain”, ani Lorenzana.

Aniya, maging ang WESCOM ay sinisimulan na sa kasalukuyan ang pagsasanay sa mga ito na inumpisahan sa bayan ng Roxas.

Sa kaniyang pananalita, nanawagan din ang Kalihim sa mga katutubo saan mang panig ng lalawigan na huwag padadala sa pangungumbinse ng makakaliwang grupo dahil sa hindi mabuti ang mga idudulot ng mga ito sa kanilang pamayanan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s