Tagalog news: 500 mamamayan sa OrMin, nakakuha ng pasaporte sa isinagawang Mobile Passporting

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 24 (PIA) – Umabot sa mahigit 500 Mindoreño ang nakakuha ng kanilang renewed at bagong pasaporte mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong unang linggo ng Marso matapos ang isang buwang proseso ng mga pasaporte na isinagawa sa Maynila. Naisagawa ang mobile passporting sa tulong at pangangasiwa ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) na siyang nag-sponsor ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Education and Employment Services Division (EESD) ng kapitolyo.

Ayon kay Executive Assistant I Stephanie ‘Stef’ Sue M. Umali, kinatawan ni Gobernador Alfonso V. Umali Jr., pinagsisikapan aniya ng gobernador na tiyaking maaalalayan ang mga Mindoreño ng mga tulad nitong serbisyo.

“Nais po ng ating Gobernador na alalayan ang ating mga kababayan. Tulad po nito na sa halip na sila yung pupunta sa Maynila para magproseso ng dokumento, dahil may mobile passporting tayo, dito na lang gagawin. Higit sa lahat di na nila kailangang gumastos pa ng malaki para sa pamasahe,” pahayag ni Stef Umali.

Kaugnay nito, nagsagawa rin ng mobile passporting ang Calapan City Public Empoyment Service Office sa Gaisano Capital Calapan Mall noong ika-18 ng Marso 2017 na kung saan daang aplikante rin ang nakinabang. Inaasahang pagkatapos ng isang buwang pagproseso ng mga pasaporte ng DFA, matatanggap na rin ng mga mamamayan ang kanilang bago at renewed passport.

Samantala, patuloy na umaalalay ang Civil Registry Department ng City Government of Calapan sa mga mamamayang may problema sa kanilang birth certificate uypang hindi ito maging hadlang sa pagkuha ng mga bagong pasaporte kapag nagkakaroon ng mga mobile passporting activity sa lalawigan. (LTC/CPRSD/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s