Tagalog news: Pagpapaunlad ng sakahan sa kabila ng QR, tutukan ayon sa NFA

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mar 23 (PIA)—Pinaigting na programa sa pagsasaka ang higit na kailangan sa kabila ng napipintong banta ng pagaalis ng Quantitative Restrictions (QR).

Ito ang isa sa mga lumabas na suhestyon sa mainit na talakayan ng QR sa bigas sa isinagawang Grand Ugnayan 2017 ng National Food Authority (NFA) kamakailan.

Ayon sa NFA ang pagaalis ng QR ay magpapadali sa pagpasok ng mga murang imported na bigas sa bansa. Dahil dito, nais ng mga magsasaka sa Occidental Mindoro na makapaglagay ang pamahalaan ng preventive measures upang mapangalagaan ang mga aning bigas di lamang ng lalawigan kundi ng buong bansa. Sakaling maipatupad ang naturang preventive measures, dapat ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng industriya ng sakahan upang hindi umasa ang bansa sa imported na bigas.

Kabilang si Alfonso Esguerra Jr., Provincial Agriculture and Fishery Council Chairman, sa nagbigay ng mga suhestyon. Ayon sa kanya, dapat dalhin ang mga imported na bigas sa mga lugar sa Mindanao tulad ng Tawi-Tawi, Sulo, Basilan at iba pa. “Hayaan sana ng pamahalaan na ang ang Occidental Mindoro ang magsu-supply sa mga karatig lalawigan”, saad pa ni Esguerra.

Hinimok din ni Esguerra ang mga bayan ng Magsaysay, Calintaan at Rizal na tumulad sa pamahalaang bayan ng San Jose (LGU San Jose) na naglalaan ng pondo kada taon para makapagbigay ng ayuda sa mga magsasaka ng San Jose tulad ng libreng certified seeds at iba pa. Aniya, malaking tulong ito sa mga mahihirap na magsasaka lalo na sa mga nakaranas ng pamemeste o pagkasira ng kanilang mga pananim.

Hiniling naman ni Esguerra sa NFA ang specifications ng mga bodegang ipinapatayo ng ahensya. Ipinaliwanag ni Esguerra na sakaling gagamitin ng mga kooperatibang nakikipagugnayan sa NFA ang kanilang CDIF (Cooperative Development Incentive Fee) sa pagpapatayo ng bodega, dapat lamang na ipagawa ito na ayon sa pamantayan ng NFA. Ang CDIF ay isa sa mga insentibong ibinibigay ng NFA sa mga kooperatibang nagbebenta ng bigas sa kanila.

Bilang panghuling suhestyon ni Esguerra ay umapila ito sa Department of Agriculture (DA) na ipagpatuloy ang mekanisasyon sa pagsasaka at kumbinsihin ang mga magsasaka ng lalawigan na mas gamitin ang hybrid rice para sa mas maraming ani. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s