Tagalog news: Small boats program sa Naujan Lake, planong isagawa

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 22 (PIA) – Planong isagawa ngayon taon ng pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro ang tinatawag na “small boats program” sa Naujan Lake National Park (NLNP) para sa mga dayuhan at mga lokal na turista.

Isang inspeksyon ang isinagawa sa lawa kamakailan ng pamahalaang panlalawigan kasama ang mga dayuhang kasapi ng Puerto Galera Yacht Club (PGYC) sa pangunguna ni PGYC Commodore Jurgen Langemfier upang tukuyin kung saang bahagi ng lawa ang magagamit para sa proyekto at alamin ang lalim ng tubig at direksyon ng hangin na aangkop para sa pinaplano ritong “small boats program”.

Kasama ng grupo ng mga mamumuhunan sina Gob. Alfonso V. Umali, Jr., League of Municipalities of the Philippines (LMP) President at Socorro Mayor Maria Fe Brondial gayundin ang kinatawan ng Protected Area Management Board ng Department of Environment and Natural Resources (PAMB-DENR).

Lulan ng Bangklase, isang bangkang sasakyang gamit sa lawa, iniikot ang mga bisita sa buong lawa. Ipinaliwanag sa mga ito ang ginagawang pangangalaga ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapanatiling ligtas ang lugar laban sa mga sumisira sa kalikasan.

Bunga nito, pinaplano na ngayon ng PGYC na maglunsad ng programang pagtuturo ng manwal at de layag na pagbabangka sa mga may interes na matuto nito. Magiging katuwang dito ang pamahalaang panlalawigan para sa paglalagay ng istruktura na lagakan ng mga bangka bilang counterpart nito.

Nauna na rito, nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng punong lalawigan at PGYC sa Marco Vincent Resort sa Puerto Galera. Sa pagpupulong, ipinahayag ni Gob. Umali na kumukumplemento ang panukalang programa sa mga nakalinyang plano sa Naujan Lake. Nilinaw niya na tanging proyektong makakalikasan lamang ang maaaring ikunsidera para rito.

Sa panukalang proyekto, maliban sa kumukumplemento ito sa binuo ng gobernador na Naujan Lake Development Plan, magsisilbi itong atraksyon sa mga turista at mag-aangat sa ekonomiya ng pamahalaang local. (LTC/CPRSD/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s