Tagalog news: BFP Romblon, tumatanggap na ng aplikasyon para sa Fire Officer 1

ROMBLON, Romblon, Marso 22 (PIA) — Ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Romblon ay tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa mga nagnanais maging bombero.

Ang rehiyong Mimaropa ay nangangailangan ng 79 kawani ng pamatay sunog na itatalaga sa limang lalawigang sakop nito.

Sinabi ni Fire Chief Inspector Donald P. Rodriguez, Provincial Fire Marshal na ang mga kwalipikasyon para sa mga aplikante ay: Filipino; may kaaya-ayang personalidad; nakapagtapos ng kolehiyo sa isang respetadong paaralan; board passer o may CSC Career Service eligibility at may edad na 21 hanggang 35 sa petsa ng pagsumite ng kanilang aplikasyon.

Paalala rin sa mga aplikante na ang lalaki ay may tangkad na 1.62m (5’4) at 1.57m (5’2) naman para sa babae at kailangan hindi lalampas ng limang kilo ang timbang sa standard weight and corresponding height.

Para sa mga interesadong mag-apply, maaaring magsumite ng kanilang folder sa Office of the Provincial Fire Marshal, 4th floor, Capitol Building, Bgy. Capaclan, Romblon, Romblon.

Ang pagtanggap ng aplikasyon sa opisina ng BFP Romblon ay hanggang sa ika-24 ng Marso 2017 lamang. (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s