Tagalog news: 116th Foundation at 72nd Liberation Anniversaries, ipinagdiwang sa Romblon

ROMBLON, Romblon, Mar 22 (PIA) — Ipinagdiwang ng probinsiya ng Romblon noong Marso 16 ang ika-116 anibersaryo ng pagkakatatag nito at at sa Marso 18 naman ay ginunita ng lalawigan ang ika-72 na pagkakalaya nito noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa bisa ng inilabas na Memorandum Order ng tanggapan ni Governor Eduardo C. Firmalo, idineklarang Special Non-working Public Holiday ang ika-16 ng Marso kaya walang pasok sa lahat ng opisina (gobyerno o pribado) at antas ng mga eskwelahan sa buong lalawigan.

Ang inilabas na kautusan ng tanggapan ni Governor Firmalo ay batay sa R.A. 9642. “An Act Declaring March 16 of every year as Romblon Foundation Day and a Special Non-working Public Holiday in the Province of Romblon” at “Proclamation No. 430 at Administrative Order 128, “Declaring March 18 of every year as Special Holiday in the islands of Panay and Romblon, including the cities of Iloilo and Roxas,” na nilagdaan ni dating pangulong Corazon C. Aquino noong Hulyo 21, 1989.

Ang selebrasyon ay nagsimula sa pamamagitan ng Banal na Misa ng Pasasalamat sa Capitol Park na pinamunuan ni Rev. Father Aristeo B. Royo, ng Saint Joseph Parish.

Pagkatapos ng misa ay umusad naman ang civic military parade sa kabayanan ng Romblon na nilahukan ng mga capitol-based employees, mga halal opisyal ng lokal na pamahalaan, mga estudyante at iba pang empleyado ng pang-gobyernong tanggapan sa nasyunal (national government agencies).

Sinundan ito ng pagtataas ng bandila ng probinsiya sa pangunguna ni Gov. Eduardo C. Firmalo, Vice Gov. Jose R. Riano, Sangguniang Panlalawigan Members at 17 bandila ng mga munisipyo sa pangunguna ng bawat alkalde nito.

Kasunod ring isasagawa ang wreath-laying ceremony/floral offering sa kinatatayuan ng Liberation Marker na pinangunahan ng mga matataas na opisyal ng lalawigan at mga buhay pang beterano ng World War II.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s