Tagalog news: M’duque nagwagi sa Regional Fire Prevention Games and Contests sa Laguna

BOAC, Marinduuque, Marso 20 (PIA)– Nag-uwi ng iba’t ibang uri ng medalya ang apat na mga mag-aaral mula sa lalawigan ng Marinduque matapos nilang makipagtagisan sa isinagawang Regional Fire Prevention Games and Contests sa lungsod ng Calamba, Laguna.

Sa nagdaang patimpalak, nagwagi sa kategoryang pagsulat ng sanaysay si Gabrielle L. Ricafrente; kampyeon din Jecelle Ann Teves sa photo contest; nakamit naman ni Ryu Angelo Franque ng ikalawang pwesto sa larangan ng pagguhit, at; pumangalawa rin naman si Maridel V. Maac sa poster making contest.

Bukod sa mga sertipikong kanilang natanggap ay nag-uwi rin ng cash prize ang mga nagwagi sa nasabing patimpalak.

Ang pagsasagawa ng kompetisyon na ito ay isa lamang sa mga paraan ng Bureau of Fire Protection na maipabatid sa mga mag-aaral ang kaalaman na may kinalaman sa Fire Prevention Month na binigyan ng temang “Kaligtasan sa Sunog: Alamin, Gawin at isabuhay Natin”.

Sa ngayon ay paghahandaan naman nina Ricafrente at Teves ang pakikipagtunggali sa nalalapit na national competition na iaanunsyo ng BFP National Headquarter. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s