Tagalog news: Alkalde ng Calapan, naging tagapagsalita sa 8th East Asia Summit sa Thailand

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 20(PIA) – Napiling tagapagsalita kamakailan si Calapan Mayor Arnan C. Panaligan sa katatapos na 8th East Asia Summit High-Level Seminar on Sustainable Cities na ginanap sa Chang Rai City, Thailand.

Ang lungsod ng Calapan ay isa sa mga lungsod na may sustainable na programang pangkalikasan sa bansa.

Ang naturang summit ay taunang pagtitipon ng mga eksperto at taga-likha ng mga polisiya para sa “malinis, luntian at sustenableng mga lungsod” sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asia.

Matatandaan na mula taong 2010, pangunahing nagtitipon ang matataas na opisyal at mga katuwang na personalidad sa pangkaunlaran ng iba’t ibang syudad sa Asya, kasama ang mga environmental at urban authorities upang makipag-talakayan at magbahagi ng mga napapanahong ideya, mga plano at rekomendasyon tungo sa lalo pang ikauunlad ng tinatawag na environmentally sustained cities in Asia-Pacific o ESCAP.

Sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), natukoy ang Calapan bilang isa sa apat na mga bagong syudad na may mga sustainable na programang pangkalikasan sa bansa. Ito ang nagbigay-daan upang maimbitahan sa nabanggit na okasyon at mapili ang punong lungsod na maglahad ng sitwasyon at environmental programs ng syudad sa harap ng mga kinatawan ng mga bansa mula sa Asya.

Sa talumpati ni Panaligan para sa temang “The Power of Public Participation in Green Sustainable City Development: Scaling Up of Good Models,” inilahad niya ang sitwasyon ng mabilis na urbanisasyon sa Rehiyong Asya at Timog-Silangan, at kung paanong naaapektohan ng industriyalisasyon ang likas na kapaligiran at yaman, ang kabundukan, kagubatan, mga bukid at karagatan. Aniya, sa kalagayang nabanggit, higit na dapat pagsikapan at pag-ibayuhin ng mga lider ang mga programang mag-aangat sa kalalagayang pang-tao at kung paano iaangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa bawa’t bansa.

Ibinahagi rin ng Alkalde ang mga programang pangkapaligiran at pangkalikasan ng kanyang administrasyon gaya ng Forest Park Initiatives, Mangrove Forest Park Development, Establishment of Marine Protected Areas, Launching of Most Eco-Friendly & PRO (progressive, responsible and outstanding) Schools at mga inisyatiba para sa Green Development, kabilang na ang Urban Development Gardening at Calapan River Rehabilitation na isang pinaglalaanan ng atensyon ng kanyang pamunuan.

Sa kabuuan ng pagtitipon, 13 bansa sa rehiyon ang representado, kabilang ang Pilipinas kung saan dalawang syudad lamang ang naimbitahan – Davao at ang Calapan. Ang naturang pagdalo ni Panaligan ay patunay ng kanyang maayos na liderato na magluluklok sa Calapan bilang isa sa mga kikilalalning lungsod sa bansa sa mga darating na panahon.

Bukod sa mga layunin ng kalipunang ito ng environmental planners at experts at mga lider ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, target din ang pagpapa-igting ng kooperasyon at tulungang pang-ekonomiya sa pagitan ng mga bansang ito tungo sa higit na pag-unlad at pagyabong ng relasyong pang-komersyo at pangkapayapaan sa rehiyon. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s