Tagalog news: Puerto Princesa Bay, negatibo na sa red tide toxin

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 13 (PIA) — Nagpalabas kahapon ng shellfish advisory na may bilang 11 at may petsang Marso 8 ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasabing negatibo na sa paralytic shellfish poison (red tide toxin) ang baybayin ng lungsod ng Puerto Princesa mula Canigaran, Barangay Bancao-Bancao hanggang Barangay Mangingisda.

Dahil dito, inalis na rin pinairal na shellfish ban sa nasasakupang baybayin kung saan pinagbabawal ang pangongolekta, pagkuha at pagbebenta ng shellfish at alamang na nagmula sa naturang lugar.

Matapos ipababa ang abiso, maaari na muling manguha ng nasabing lamang dagat ang mga residente ng lungsod.

Matatandaang mahigit isang buwan ding ipinatupad ang ban mula nang lumabas sa pagsusuri ng BFAR na mataas ang lebel ng lason sa nasabing baybayin na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng sino mang makakakain ng shellfish na mula sa Puerto Bay.

Samantala, sa kalagitnaan ng pagpapatupad ng shellfish ban, inirekomenda ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Sangguniang Panlungsod na magdeklara ng State of Calamity, subalit hindi ito lumusot sa konseho dahil ayon sa mga sa mga lokal na mambabatas, walang maipakitang dokumento ang naturang opisina upang maging basehan ng pagdedeklara. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s