Tagalog news: Mga doktor mula Amerika, nagsagawa ng medical mission sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 13 (PIA) – Sa ikalawang pagkakataon, naghandog ng isa pang medical mission ang samahan ng mga duktor mula sa bansang Amerika sa mga mamamayan ng Calapan noong nakaraang buwan ng Pebrero 2017 at ang nauna rito ay isinagawa noong Enero 2017.

Nagbigay muli ng libreng konsultasyon at panggagamot ang dalawang grupo ng mga duktor mula sa Amerika – ang World Outreach Foundation ng Kansas City, na nagsagawa ng medical mission sa ikalawang pagkakataon sa lungsod noong Enero, at nito lamang Pebrero, ang isa pang team ng volunteer doctors mula sa New Jersey at Georgia.

Sa naunang medical mission, mahigit sa 2,000 pasyente ang nakapagpa-checkup, habang nasa 300 sa dental, at may 60 naman ang sumailalim sa major surgeries o operasyong isinagawa sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) na naging lugar ng paggagamot.

Samantala, nasa halos 2,000 din ang naging pasyente sa general consultations at surgeries ng ikalawang grupo na ginawa sa Catholic Center Hall ng Santo Niño Cathedral Parish, habang sa Medical Mission Group (MMG) at Ma. Estrella General Hospital naman isinagawa ang surgical operations para sa iba’t ibang kaso ng sakit.

Ang medical mission ay tumagal ng halos tig-isang linggo upang matugunan ang pangangailangan ng serbisyong-medikal ng mga mamamayan.

Naging instrumento rito si Dr. Leila Bush, isang Fil-Am na miyembro ng World Outreach Foundation at tubong-Naujan sa pagkapili sa Oriental Mindoro upang ganapin ang naunang misyon kaya naman ibayong atensyon ang naibigay sa maraming pasyente sa magkaratig na bayan ng Naujan at lungsod ng Calapan.

Sa pangalawang grupo naman, lubos na kinikilala ang dalawang Fil-Am doctors na parehong Calapeña sa katauhan nina Dr. Mary Rose Nieva-Ang, coordinator ng grupo at Dr. Nimfa Medina-Saunders na siyang bumuo sa kanilang team upang makapaglingkod sa mga mamamayan. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s