Tagalog news: Mga hinaing ng magniniyog sa Palawan, dininig sa isang forum

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 10 (PIA) — Mahigit 100 magniniyog o coconut farmer sa lalawigan ang dumalo sa isinagawang Coconut Industry Stakeholders Consultative Forum kamakailan sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo sa pangunguna ng Philippine Coconut Authority (PCA) katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan.

Ang nasabing bilang ng mga magsasaka ng niyog ay nagmula sa mga bayan ng Roxas, El Nido, Balabac, Rizal, Española, Quezon, Aborlan, Brooke’s Point at Bataraza.

Layon ng forum na ito na makuha ang mga saloobin at suhestiyon ng mga magniniyog sa pagpapaunlad ng industriyang ito sa Palawan.

Isa sa mga hiniling ng magniniyog sa Palawan ay ang scholarship grant para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Ang kahilingan ito ay nakapaloob na sa panukalang Palawan Coconut Industry Development Road Map na iprinisenta ng pamahalaang panlalawigan sa PCA.

Ayon kay Dr. Myrna O. Lacanilao, hepe ng Livelihood Management Unit, naturang road map ay naglalaman ng mga plano ng lokal na pamahalaan para sa pagsusulong at pagpapaunlad ng industriya ng niyog sa Palawan.

Kabilang din dito ang kahilingan ng pamahalaang panlalawigan sa PCA na karagdagang dalawang milyong coconut seedlings na ipamamahagi sa mga magsasaka ng niyog sa bahaging norte ng lalawigan.

Matatandaan na noong taong 2016 ay una nang pinagkalooban ng PCA ang Palawan ng isang milyong coconut seedlings na naipamahagi sa mga magsasaka sa bahaging sur ng Palawan.

Base sa datos, umaabot sa mahigit 136,000 na ektarya ang natamnan na ng puno ng niyog sa buong lalawigan at inaasahang madadagdagan pa ito ngayong taon.

Samantala, tinalakay din sa forum ang iba’t-ibang paksa tulad ng malawakang pagtatanim at re-planting ng niyog, rural industrialization at financing scheme.

Bukod dito, iprinisenta naman ng Livelihood Manegement Unit ng pamahalaang panlalawigan ang mga sa mga produktong mula sa niyog tulad ng copra, coconut flour, cooking oil, buko water drink, handicraft, coco vinegar, coco sugar, toyo at iba pa na maaaaring pagkakitaan ng mga magsasaka.

Mismong si PCA Administrator Avelino L. Andal ang nanguna sa pagdinig ng mga hinaing ng mga magsasaka ng niyog sa Palawan. Tiniyak nito na bukod sa scholarship grant ay mabibigyan din ng iba pang benepisyo ang mga anak ng mga magsasaka ng niyog tulad ng health insurance na maari magamit sa oras na kailanganin nila ito.

Nagpasalamat si Andal sa pamahalaang panlalawigan at umaasa ito na sa patuloy na pagtutulungan ng kanyang ahensiya at ng pamahalaang panlalawigan ay mas mapapaunlad ng husto ang industriya ng niyog sa Palawan sa pamamagitan ng mga pangkabuhayan mula sa mga produkto nito. (PIO/OCJ-PIA MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s