Tagalog news: Mga aktibidad sa pag-obserba ng ‘Rabies Awareness Month’ isinasagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 10 (PIA) — Iba’t-ibang aktibidad ang isinasagawa ngayong Marso ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ng pamahalaang panlalawigan kaugnay ng pag-obserba ng Rabies Awareness Month.

Ang pagsisimula ng ‘rabies awareness month’ sa Palawan ay isinagawa sa Bayan ng Brooke’s Point kamakailan sa pamamagitan ng isang motorcade na sinundan ng maikling programa at rabies awareness forum na ginanap sa Octagon Covered Plaza ng nasabing bayan. Dinaluhan naman ito ng mga kawani ng lokal na pamahalaan tulad ng Municipal Agriculture Office at Municipal Health Office gayon din ang mga representante mula sa Provincial Health Office, Philippine National Police-Palawan Provincial Police Office, Rescue 165, DepEd-Palawan, mga guro at mga estudyante.

Ayon kay Dr. Benito del Rosario, Supervising Veterinarian ng ProVet, ang pagsasagawa ng naturang gawain ay hiniling mismong ng alkalde ng bayan ng Brooke’s Point.

Base sa talaan ng ProVet, ang bayan ng Brooke’s Point ang may pinakamataas na bilang ng aso o dog population sa buong lalawigan.

Samantala, sa araw ding iyon ay isinagawa sa mga barangay ng nasabing bayan ang pagbabakuna sa mga alagang aso laban sa rabies at pagpupurga sa mga baka at kalabaw na pinangunahan ng ProVet katuwang ang mga Barangay Veterinary Aide.

Nakatakda ring magsagawa ng malawakang pagbabakuna laban sa rabis ang ProVet sa Marso 6-10 sa barangay Rio Tuba sa Bataraza; sa Marso 13-17 sa bayan ng Quezon; at sa Marso 20-24 sa bayan muli ng Brooke’s Point.

Ayon pa kay Dr. del Rosario, inaasahan nila ang kooperasyon ng mamamayan ng Palawan sa mga gagawing aktibidad para sa patuloy na pagsugpo sa rabies sa buong lalawigan. Hangad aniya ng pamahalaang panlalawigan na maideklarang rabies-free ang buong lalawigan ng Palawan sa darating na panahon. (PIO/OCJ-PIA MIMAROPA Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s