Tagalog news: 32 K-9 dogs ng Coast Guard, dumating na sa Romblon para magsanay

ROMBLON, Romblon, Marso 9 (PIA) — Dumating na noong ika-4 ng Marso ang 32 K-9 na aso para sumailalim sa pagsasanay sa training facility ng Search and Rescue (SAR) Base ng Philippine Coast Guard sa bayan ng Romblon.

Ang mga asong nabanggit ay inilulan sa barkong BRP Pampanga (SARV 003) kasama ang 45 miyembro ng coastguard na magsasanay rin bilang mga K9 handlers sa loob ng tatlong buwan.

Isasalang sa masusing pagsasanay ang 32 K-9 na aso na isasabak sa search and rescue at narcotics and explosive detection at mga handlers nito para sa mas pinaigting na pagbabantay sa seaports at chokepoints laban sa terorismo at drug trafficking sa bansa.

Bago maglayag ang BRP Pampanga ay isang send-off ceremony ang ginanap sa Headquarters ng Philippine Coast Guard noong ika-3 ng Marso sa pangunguna ni Captain Nelson B Torre.

Ang pagasanay ay pamumunuan ng mga dalubhasang miyembro ng Coast Guard K9 Anti-Narcotics / Explosive Detection Dog at Handler Specialization Course.

Kapag natapos ang kanilang pagsasanay ay maari nang ma-assign ang mga K9 units sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.

Ayon pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG), aabot na sa 53 narcotic detection dogs, 84 explosive detection dogs, 16 search and rescue dogs at isang patrol dog ang mayroon ang kanilang ahensiya.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s