Tagalog news: PCOO offices, nag-earthquake drill bilang paghahanda sa ‘Big One’

LUNGSOD QUEZON, Marso 6 (PIA)— Nakiisa ang PIA-Mimaropa regional staff sa ginanap na earthquake drill kamakailan sa Media Center kasama ang iba pang tanggapan ng Presidential Communications Operations Office.

Nilalayon ng earthquake drill ay makasanayan ng bawat kawani ang pagsasasagawa ng duck cover and hold(dapat, tago, kapit) sa tuwing lilindol.

Ilang beses pinatunog ang alarma, ilang beses pumailalim sa mga lamesa at iba pang matatagpuan ang mga kawani bago nagtungo sa kani-kanilang exits hanggang sa makarating sa quadrangle sa labas at tapat ng PIA building.

Pansamantalang tinukoy ang quadrangle bilang evacuation area sa Media Center.

Nakasama sa earthquake drill ang mga ilang mga anak ng mga kawani ng PIA, mga On the Job Trainees at iba pang mga bisita.

Ang paghahanda ay isang paraan para mabawasan ang pagkalito sa panahon ng kalamidad ayon kay Francis Martin, ang lider ng PIA Building Emergency Response and Preparedness Team O BERPT.

Ayon kay Martin, kung papasok sa mall, dapat makagawiang alamin kung saan-saan ang exits kung sakaling magkaroon ng emergency at mailigtas ang mga sarili.

Ang BERPT ay binubuo ng mga kinatawan ng PIA, Philippine Broadcasting Service, Philippines News Agency, APO Incorporated, PCOO-Mula sa Masa Para sa Masa at People’s Television Network na pare-parehong nakabase sa Media Center na matatagpuan sa Visayas Avenue sa lungsod na ito.

Pangunahing layunin ng BERPT na pangunahan ang paghahanda sa mga kawani sakaling may mangyari kalamidad habang nagtratrabaho.

Ani Martin, mahalagang matutunan ng mga kawani kung paano at saan lalabas sa pagkatapos ng lindol tulad ng Big One na maaring sa loob at labas ng Kalakhang Maynila.

Ang Big One, ayon sa PhiVOLCS, ay maaring mangyari hindi lang sa Metro Manila kundi sa lahat ng rehiyon.

May mga ilang bagay na dapat ihanda ng mga kawani, sabi ni Martin, para malampasan ang mga unang araw ng kalamidad:

Pito: para makakuha ng atensyon ng mga responder sakaling maipit sa isang gumuhong gusali;
flashlight: para makita ang daanan sa panahon mawalan ng kuryente; at
Tubig at go bag: mga suplay ng pagkain at inumin para sa pamilya na tatagal nang ilang araw. (LP/PIA-Mimaropa)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s