Tagalog news: Non-biodegradable Plastics, posibleng ipagbabawal na sa San Jose

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Marso 2 (PIA) – Posibleng ipagbawal na ang non-biodegradable plastics at styrofoam sa bayan San Jose sakaling maaprobahan at opisyal na maging batas ang ordinansang dininig kamakailan ng Sangguniang Bayan (SB) ng San Jose.

Ayon kay SB Member Mercy Alvaran, gumawa ng nasabing ordinansa, kabilang sa layunin ng kautusan na mapahalagahan ang kapaligiran ng San Jose at bigyang pansin ang disiplina sa basura. “It (ordinance) will be a promotion of biodegradable plastics and styrofoam while prohibiting non-biodegradable (Ito (ordinansa) po ay magtataguyod sa mga biodegradable na mga plastik at Styrofoam at ipagbabawal ang mga non-biodegradable)”, ayon pa kay Alvaran.

Ang biodegradable ay mga bagay na natutunaw sa natural na pamamaraan samantalang hindi naman natutunaw ang non-biodegradable.

Sinangayunan naman ni Iny Lourdes Peroy, kasalukuyang tagapamuno ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang sinabi ni Alvaran hinggil sa disipina sa basura. Aniya, kabilang sa kawalan ng disiplina ang pagkakalat ng plastics sa lansangan na nakakarating sa mga kanal at doon bumabara. Ipinaliwanag rin ng tagapamuno ng MENRO ang kahalagahan ng Reduce, Reuse at Recycle. Ayon dito, kung matututo ang mga mamamayan ng San Jose ng tamang paghihiwalay ng mga basura o segregation, maraming usapin gaya ng kalat sa kalye at pagbaha ang mareresolba.

Iminungkahi naman ni SB member Joel Aguilar na ipaalam sa mga suppliers ng plastic at Styrofoam, na tanging biodegradable (plastics at styrofoam) lamang ang ipapadala o ibebenta sa bayan ng San Jose. Idinagdag pa ng konsehal na dapat bigyan ng sapat na panahon ang mga lokal na manininda ng plastic hinggil sa mga mangyayaring pagbabago bago ipatupad ang nasabing ordinansa sakaling maaprubahan na ito.

Sa pagtatapos ng unang pagdinig ay inihayag ni Environment Committee Chair at SB Member Jake Balagot ang pagaanyaya sa publiko at mga kinauukulang may kaugnayan sa ordinansa, sa kasunod na isasagawang public hearing. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s