Tagalog news: Baragatan Festival sa Palawan, muling isasagawa ngayong 2017

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mar 2 (PIA) — Kinumpirma ng Tanggapan ng Gobernador sa pamamagitan ng Chief of Staff nito na si Ceasar Sammy Magbanua na muling isasagawa ngayong taon ang Baragatan Festival sa Palawan.

Sa pagpupulong na ginanap kamakalawa sa Governor’s Conference Room ng gusaling Kapitolyo, ipinahayag ni Magbanua, na kasado na ang pagdaraos ng 2017 Baragatan Festival na gaganapin sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Magbanua, inaprubahan na ni Gob. Jose Ch. Alvarez ang nasabing aktibidad na gaganapin mula Hunyo 9-23 ng sa Provincial Capitol grounds. Inaasahan na mas magiging masaya at malaki ang pagdiriwang ngayong taon.

Aniya, muling matutunghayan sa dalawang linggong selebrasyon ang LGU at Private Trade Fairs, gayun din ang Caraenan at ang mga inaabangang aktibidad tulad ng Baragatan Grand Parade, Float Parade, gabi-gabing pagtatanghal sa Cory Park, iba’t ibang mga patimpalak, Mutya ng Palawan at iba pa. Bukod dito ay mayroon ding mga bagong aabangan ang mga Palaweño tulad ng Province-wide Tribal Olympics, Rodeo Competition, Ms. Tourism, at Pantiguan.

Ang soft opening ng Baragatan Festival 2017 ay gaganapin sa Hunyo 9, kung saan bubuksan ang mga trade fairs, Garden Show, Caraenan at Photo & Art Exhibit. Ang grand opening naman ay gaganapin sa Hunyo 16 sa pamamagitan ng isasagawang Baragatan Grand Parade kung saan matutunghayan ang iba’t ibang float na ihahanda ng mga munisipyo, gayon din ang mga kandidata para sa Mutya ng Palawan. Ang parada ay lalahukan din ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, mga lokal na opisyales ng iba’t ibang munisipyo at iba pang organisasyon sa lalawigan.

Ang Baragatan sa Palawan ay ipinagdiriwang sa lalawigan kaugnay ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng Palawan na ginugunita tuwing Hunyo 23. Ngayong taon ay ipagdiriwang ng Palawan ang ika-115 taong pagkakatatag nito. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s