Tagalog news: Provincial Best Marine Protected Area sa OrMin, kinilala

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 28 (PIA) – Pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan, Malampaya Foundation, Inc. (MFI) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Best Managed Marine Protected Areas at Bantay Dagat sa ginanap na “Sustaining Marine Protected Areas (MPAs) Through Awards and Recognition kamakailan na ginanap sa Tamaraw Hall ng Kapitolyo.

Binigyang-parangal dito ang mga grupo ng Bantay Dagat gayundin ang mga namamahala sa Marine Protected Areas na ayon sa mga itinakdang pamantayan. Ito ay nagpapahiwatig na tagumpay ang adhikain ng mga nabanggit na grupo na maprotektahan ang karagatan at iba pang mga katawang-tubig na isa sa mga pangunahing ikinabubuhay sa lalawigan at maging sa buong bansa. Hinihikayat ng pagpaparangal na ito na higit pang pagbutihin ang kanilang sinumpaang tungkulin sa pagbibigay proteksyon sa marine areas.

Sa taong ito, limang MPAs at apat na Bantay Dagat Teams ang pinarangalan. Ang MPA ng Barangay Puting-Cacao ng Pola ang kinilalang kampeon at tumanggap ng P50,000 cash prize at P75,000 na halaga ng proyekto mula sa Malampaya Foundation.

First runner-up ang Barangay Ranzo ng Pinamalayan na tumanggap ng P40,000 cash prize at P50,000 na halaga ng proyekto. Tumanggap naman ang Silonay Mangrove Conservation Area and Ecopark ng Lungsod ng Calapan ng P30,000 cash prize at P30,000 na halaga ng proyekto bilang 2nd runner-up; ang Barangay Ilag ng San Teodoro na 3rd runner-up ay nakatanggap ng P20,000 cash prize at P 20,000 na halaga ng proyekto samantalang ang Barangay Balatasan na 4th runner up ay nakatanggap naman ng P15,000 cash prize at P 15,000 na halaga ng proyekto.

Ang mga Bantay Dagat Team naman ng Pola, Gloria, Naujan, Calapan at Baco ay ang mga team na nagpamalas ng ibayong husay sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Nakatanggap ang bawat team ng cash assistance at mga engine motor na makakatulong sa patuloy nilang pagseserbisyo. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s