Tagalog news: Relief operation ng LGU OrMin sa mga biktima ni Nina, nagpapatuloy

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 27 (PIA) – Hanggang sa kasalukuyan, tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga pamilyang apektado ng pananalasa ng bagyong Nina sa lalawigan noong nakaraang Disyembre.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), umaabot na sa 4,401 pamilya ang nabigyan ng relief goods at 33 pamilya naman ang napagkalooban ng non-food items mula sa mga bayan ng Puerto Galera, Naujan, San Teodoro, Baco, Victoria at Lungsod ng Calapan.

Mula pa rin sa mga nabanggit na bayan, 825 na pamilya ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 635 pamilya naman ang napagkaloob ng food at non-food items ng Philippine Red Cross samantalang nagkaloob din ng tulong ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya sa may 950 pamilya.

Ang mga nabanggit na pamamahagi ng ibang ahensya ay sa masusing koordinasyon sa PSWDO upang maiwasan ang duplikasyon at mabigyan ang mas maraming apektadong mamamayan.

Pangunahing tungkulin ng pamahalaang panlalawigan ang tulungan at punan ang kakulangan ng tulong na ibinibigay ng mga Pamahalaang Bayan sa mga nasasakupan nitong mamamayan sa panahon ng kalamidad.

Bukod sa pamamahagi ng relief goods, inaalam din ng mga kawani ng PSWDO sa pangunguna ni PSWD Officer Zarah C. Magboo ang iba pang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Nina upang kagyat na matugunan ang mga ito sa abot ng kakayanan ng pamahalaang panlalawigan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s