Tagalog news: Proyektong pagsasanay at pangkabuhayan para sa mga bilanggo sa Palawan, inilunsad

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb 27 (PIA) — Sa layuning mabigyan ng pangkabuhayang programa ng gobyerno ang mga bilanggo, inilunsad kamakailan sa Puerto Princesa City Jail ang Integration Through Skills Development (ITSD) na itinataguyod ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang programa ay pinangunahan nina Jail Director Serafin Barreto Jr., pinuno ng BJMP at TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong.

Sa mensahe ni Barreto, tiniyak ni Barreto ang pagpapatuloy ng mga programa para sa pagsasanay ng mga bilanggo na pakikinabangan ng mga ito sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Tinuran ng opisyal sa harap ng mga benepisyaryo,”katuwang natin ang TESDA sa pagtataguyod ng mga inisyatibo ganito upang makatulong sa inyo sakali mang kayo ay lumaya, mayroon kayong kaalaman at pangkabuhayan na magagamit sa pagbabagong buhay”, ani Barreto.

Tiniyak naman ni Secretary Mamondiong na nakahanda lagi ang TESDA na magbigay ng libreng pagsasanay.

“Libre po itong ipagkakaloob ng TESDA at kung may kakailanganing mga kagamitan, ay ibibigay po natin ‘yan katuwang ang BJMP”, dagdag ni Mamondiong.

Samantala, hangad ngayon ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno na mapuntahan ang 100 bilangguan sa buong bansa upang maparatingan ng progroma. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s