Tagalog news: DA-BFAR namahagi ng mga kagamitang pangisda sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb. 27 (PIA) — Namahagi ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng 96 mga bangkang pangisda na kompleto sa mga kagamitan sa lalawigan.

Mismong si DA Secretary Emmanuel “Manny” Piñol ang nanguna sa pamamahagi ng mga 38-footer fiberglass reinforced plastic boats na isinagawa sa bayan ng Brooke’s Point. Ang bawat isang bangka ay nagkakahalaga ng Php180,000. Umabot naman sa Php17.28M ang kabuuhang halaga ng 96 mga bangka.

Mula sa 96 mga Bangka, 40 ang napunta sa bayan ng Rizal, at 30 ang napunta sa bayan ng Quezon. Maliban sa dalawang munisipyo ang iba pang munisipyo kabilang na ang Lungsod ng Puerto Princesa ay nakatanggap din ng tig-iisang patrol boat habang ang dalawa ay para sa Pamahalaang Panlalawigan na magagamit sa pagpapatrolya sa karagatan.

Ang pamamahaging ito ay kasabay ng isinagawang Farmers and Fisherfolk Forum kung saan personal na inalam ng Kalihim ng Agrikultura ang mga problema at pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa Palawan.

Maliban sa mga bangka, may Bottoms-Up Budgeting o BUB Project din na ibinigay ang Kagawaran ng Agrikultura para sa pitong lokal na pamahalaan sa Palawan na may kabuoang halaga na dalawamput-apat na milyong piso.

Ayon kay Secretary Piñol, ito ay bahagi ng programa at pangako ng administrasyong Duterte na mapataas ang antas ng pamumuhay at kabuhayan ng mga nasa sektor ng agrikultura sa buong bansa. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

da-bfar

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s