Tagalog news: Uupong Mayor at Bise Mayor ng Puerto Princesa, nanumpa na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb 24 (PIA) — Nagsimula nang umupo bilang punong lungsod ng Puerto Princesa si dating Bise Mayor Luis Marcaida lll matapos itong makapanumpa sa Regional Trial Court, Branch 52, sa pamamagitan ni Executive Judge Angelo Arizala noong ika-21 ng Pebrero.

Kasunod nito ang panunumpa ng unang Konsehal ng lungsod na si Nancy Socrates bilang bise mayor.

Ang pag-upo ng dalawang opisyal sa naturang mga posisyon ay alinsunod sa ipinadalang kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Mimaropa na dapat nang mapunan ang mga nabakanteng opisina matapos na maipatupad ang pagkakatanggal sa puwesto bilang alkalde kay Mayor Lucilo Bayron.

Ang kautusan ng Kagawaran ang batay sa Section 44 ng Local Government Code kung saan nasasaad na kapag mayroong permanente nang nabakanteng opisina ng Gobernador, Bise-Gobernador, Mayor at Bise-Mayor, ang susunod na may pinakamataas na posisyon ang siyang dapat pumalit.

Magugunitang natanggap ng kampo ni Bayron ang memorandum order mula sa Ombudsman sa pamamagitan ng DILG na nag-aatas na ipatupad na ang desisyong pagpapatalsik sa kaniya sa tungkulin.

Ang pagpapatanggal sa alkalde sa tungkulin ay bunsod ng isinampang mga kasong ‘Grave Misconduct at Serious Dishonesty’ laban sa kaniya kasama ang panganay na anak nito. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s