Tagalog news: ‘Serbisyo Ora Mismo’ ng LGU OrMin, dinagsa ng mahigit 2,000 katao

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 24 (PIA) – Umabot sa 2,012 na indibidwal ang naging benepisyaryo ng iba’t ibang serbisyong panlipunan sa isinagawang Kapitolyo Para sa Mamamayan (KPSM) Serbisyo Ora Mismo ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan ng Socorro kamakailan.

Pinamahalaan ng tanggapan ni Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado ang naturang programa na ginanap sa municipal gymnasium, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaang nasyunal at pribadong sektor.

Nasa 518 indibidwal ang napagkalooban ng libreng konsultasyong medikal, 110 naman ang libreng nabunutan ng ngipin at 501 katao ang nabigyan ng libreng gamot. Ang mga serbisyong medikal at dental ay pinangasiwaan ng Provincial Health Office na pinangunahan ni Chief of Hospital Dr. Marpheo E. Marasigan ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH), sa pakikipag-ugnayan sa Socorro Municipal Health Office, Oriental Mindoro Medical and Dental Societies at sa Regional Health Services ng Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan naman ni Infantado ang ginawang soup kitchen sa Socorro Central School kung saan 668 kabataang mag-aaral ang nakinabang.

Namahagi rin ng certified seeds ng iba’t ibang gulay ang Provincial Agriculture Office (PAgO), 42 kababaihan ang nabigyan ng brochure at naging kabahagi sa film viewing ng mga livelihood program ang hatid ng Provincial Tourism Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO), 80 indibidwal naman ang naging kliyente ng Philhealth samantalang libreng legal na konsultasyon ang kaloob ng Provincial Legal Office (PLO).

Samantala, namigay naman ng sports equipment sa tatlong sekondarya at 22 elementaryang paaralan at 53 mag-aaral sa sekondarya ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Education and Employment Services Division.

Ang serbisyo ng kapitolyo para sa mga mamamayan ay buwanang ibinababa at isinasagawa sa iba’t ibang barangay o bayan ng lalawigan ng Oriental Mindoro upang mabigyan ng pagkakataong matulungan ang mga nangangailangan partikular ang mga mahihirap. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s