Tagalog news: Programa ng TESDA Mimaropa na ‘Service on Wheels’, bumisita sa Romblon

ODIONGAN, Romblon, Peb. 24 (PIA) — Ang serbisyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)- Mimaropa na ‘Services-on-Wheels’ ay bumisita sa lalawigan ng Romblon upang maghatid ng serbisyo sa pamamagitan ng pagpoproseso ng iba’t ibang papeles na maaaring kunin sa ahensya.

Layunin ng TESDA Mimaropa na magigyan ng maayos na serbisyo ang iba’t ibang probinsiya sa buong rehiyon, sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pag-proseso ng iba’t ibang dokumento na kailangan ng sinumang indibidwal na dumudulog sa nasabing tanggapan.

Ayon kay TESDA Mimaropa Regional Director Carlos Flores, nakatakdang mag-ikot sa lahat ng isla sa lalawigan ng Romblon ang mga kinatawan ng ahensya para magsagawa ng nasabing serbisyo ngayong linggo.

Malaking bagay aniya ang TESDA Mimaropa’s Services-on-Wheels dahil minsan aniya ay umaabot ng halos anim na buwan bago makuha ang isang dokumento sa kanilang ahensiya, pero sa ngayon ay maaari nang ibigay agad ito dahil mismong ang regional office na ang sumadya sa Romblon para rito.

Ilan sa mga serbiyong hatid ng TESDA Miamropa ay ang program registration, NTTC application at releasing, scholarship grants at paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA), Compliance Audit, Accreditation of Assessment Centers, Online Application System for TESDA Training and Scholarship Program, Online Application for Barangay Kasanayan Para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK), at iba pa.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s