Tagalog news: Pagtugtog ng kalutang muling binubuhay ng DOT M’duque

BOAC, Marinduque, Peb. 24 (PIA)– Bilang parte ng paggunita ng ika-97 na anibersaryo ng kasarinlan ng lalawigan ng Marinduque, muling binubuhay ng Department of Tourism (DOT) ng lalawigan ang pagtugtog ng kalutang na instrumento mula sa bayan ng Gasan.

Sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Department of Education (DepEd) Marinduque, ninanais ng mga ahensyang ito na ibahagi at ipakalat ang kaalaman ng mga miyembro ng Pangkat Kalutang sa mga mag-aaral ng mababa at mataas na paaralan sa probinsya kung papano patugtugin ang nasabing instrumento.

Bilang hakbang sa pagpapalaganap ng kakayahan sa paggamit nito, nagkaroon ng lingguhang pagsasanay ang bawat guro mula sa mga anim na bayan ng probinsya noong taong 2016 na pinangunahan ni Ka Tirso Sardena, pinuno ng samahang Pangkat Kalutang kasama ang mga miyembro nito.

Ayon kay Ricardo Asuncion, Officer-In-Charge ng DOT Marinduque, ang pagtugtog daw kasi ng kalutang ang kanyang lubhang pinangangambahang mawala–isa sa tatlong ipinagmamalaking intangible traditions ng lalawigan bukod sa Putong at Moriones. Dagdag din naman ni NCCA Chairman Felipe de Leon, Jr., lalo raw maghihirap ang kulturang Marinduqueño kung hahayaan itong mapabayaan at tuluyang mawala.

Kaya naman sa nilagdaang isang executive order ni Gob. Carmencita O. Reyes, ninanais ng pamahalaang panlalawigan na gawin ngayong taon ang kauna-unahang Kalutang Festival upang maitampok ito at maipakilala sa kaalaman ng mga kabataan. Bukod pa rito ay nais din ng pamahalaang panlalawigan na isama sa kurikula sa asignaturang Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) ang konsepto ng pagtugtog nito.

Binigyan naman ng temang “Lutang Kalutang” ang paglulunsad ng nasabing festival ng DOT Marinduqque at ng pamahalaang panlalawigan. (ADSD, PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s