Tagalog news: Delegasyon ng Puerto Princesa, Palawan, kampeon sa palarong pang-rehiyon

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb. 24 (PIA) — Itinanghal na kampeon ang delegasyon ng Puerto Princesa at Palawan sa katatapos na Mimaropa Regional Athletic Association Meet na isinagawa sa bayan ng Brooke’s Point noong Pebrero 17- 21.

Sa Over-all Standing/Points and Rank by Division na inilabas ng Department of Education (DepEd), ang delegasyon ng Puerto Princesa ang nanguna sa ranking na nakapagtala ng 326.5 point para sa elementary level. Sinundan ito ng delegasyon ng Palawan na mayroong 289.5 points, Oriental Mindoro na mayroong 210 points, Occidental Mindoro-133 points, Calapan City-113 points, Marinduque-58 points at Romblon-50 points.

Sa secondary level naman ay nanguna ang delegasyon ng Palawan na mayroong 464 total points, sinundan ng Puerto Princesa na mayroong 422 points, Oriental Mindoro-220, Calapan City-185 points, Romblon-136 points, Occidental Mindoro-109, at Marinduque-79 points.

Para naman sa over-all ranking, ito ang pinagsamang mga puntos ng elementarya at sekondarya, nanguna rito ang delegasyon ng Palawan na nakakuha ng 753.5 kabuuang puntos, sinundan ng Puerto Princesa na mayroong 748.5 points, pumangatlo ang Oriental Mindoro-430 points, pang-apat at Clapan City-298 points, panglima ang Occidental Mindoro-242 points, pang-anim ang Romblon-186 points at pangpito ang Marinduque na mayroong 137 points.

Narito naman ang mga delegasyon na nanalo ng Special Award: Best in Parade: lungsod ng Calapan; Friendliest Delegation: Occidental Mindoro; Most Creative: Marinduque; Most Number of Delegates: Palawan; Best In Unity Dance: Puerto Princesa; Courageous Delegation: Romblon; Visually Appealing: Oriental Mindoro; Cleanest and Greenest, Eco-Friendliest, Most Organized and Most Disciplined: Calapan.

Sa kabuuan ayon sa pamunuan ng DepEd ay naging maayos, matahimik at matagumpay ang pagdaraon ng Mimaropaa Meet sa bayan ng Brooke’s Point.

Ang mga mapipiling manlalaro sa Mimaropaa Meet ay ilalaban naman sa Palarong Pambansa ngayong Abril na gaganapin sa Antique.

Sa Occidental Mindoro naman isasagawa ang Mimaropaa Meet sa susunod na taon.

Taong 2012 nang huli itong isagawa sa nasabing bayan at noong 2015 ay ginanap din ito sa bayan naman ng Narra.

Ang palarong pangrehiyon ay magkatuwang na itinataguyod ng Department of Education (Deped) at ng mga lokal na pamahalaan upang makapili at makapagsanay ng mga magagaling na manlalaro ng bansa sa iba’t-ibang larangan ng palakasan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

delegasyon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s