Tagalog news: Programa para sa proteksyon ng mga kabataan, palalakasin sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb 21 (PIA) — Upang maitaguyod ang programang magbibigay ng proteksyon sa mga kabataan, nakatakdang sumailalim sa pagsasanay at paghubog ng kanilang kakayanan ang binuong 66 na Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa lungsod ng Puerto Princesa na isasagawa sa Marso 7-14.

Bilang bahagi ng gawain, bibigyan ng City Social Welfare and Development (CSWD) ng mga bagong panuntunan sa pagpapatupad ng programan ng BCPC ang mga barangay.

Ani Remy Beltran ng CSWD, hangad ng kanilang opisina na mas maging aktibo at BCPC na siyang naatasan manguna sa pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataan laban sa mga pang-aabuso.

Kinakailangan din nitong bumuo ng mga pamamaraan upang mamagitan sa inire-reklamo at nagre-reklamo kasunod ang agarang pagbibigay ng solusyon nang hindi na umabot pa sa korte.

Ang BCPC at itinatadhana ng batas na kinakailangang bawat barangay ay bumuo nito na ang mga kinatawan ay ang Punong Barangay, non-government organization, kagawad ng barangay, principal ng eskuwelahan, pari, barangay tanod o pulis at BCPC worker.

Samantala, sa konseho unang idinudulog ang mga reklamo laban sa mga bata sa barangay. Ang mga kasong may kaparusahang anim na taon pababa tulad ng paglabag sa curfew, pamamalimos, pagkakalat, pandurukot, pagnanakaw ay dapat natutugunan o nabibigyang solusyon sa lebel ng barangay upang maiwasan na magkaroon ng bahid ng kaso ang mga kabataan at mabigyan ng pagkakataong magbago.

Kaugnay nito, ang mga kasong higit sa anim na taon ang parusa ay idudulog sa CSWD, habang sa mga kaso naman ng Child Abuse, makakatuwang ng nasabing tanggapan ang BCPC sa pagharap dito. (CIO/LBD-PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s