Tagalog news: Pagpuputol at pagluluwas ng coco lumber sa OrMin pansamantalang ipinatigil

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 20 (PIA) – Sa bisa ng Executive Order (EO) No. 85 na ipinalabas ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., pansamantalang ipinatigil nito ang pagpuputol ng niyog at pagluluwas ng mga coco lumber sa labas ng lalawigan.

Ito ay bunsod nang napakadaming puno ng niyog ang nasalanta sa nakaraang bagyo na halos ikaubos ng mga ito.

Sa tala ng pamahalaang panlalawigan, nasa 150,000 board feet na puno ng niyog ang nasira. Kung susumahin, malaki ang nasira sa industriya ng niyog na isa sa malaking nag-aambag sa ekonomiya ng Oriental Mindoro.

Sa bisa din ng EO, binuo ang Task Force na siyang magmo-monitor ng pagpapatupad ng batas hinggil sa pagpuputol at pagluluwas ng mga coco lumber.

Sa pagbuo ng Task Force na ito, makikipagtulungan at makikipag-ugnayan ang mga ito sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor upang mapigil ang mga pagpuputol at pagluluwas na walang pahintulot mula sa pamahalaang lokal.

Ayon naman kay Provincial Administrator Nelson B. Melgar, mas higit pang higpitan ng mga ahensya ng pamahalaan partikular ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang pagbibigay ng Permit to Cut ng coco lumber operators nang sa gayon ay mas higit na makinabang ang mga Mindoreño sa darating na mga panahon. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s