Tagalog news: Tzu Chi Foundation tumulong sa mga biktima ni ‘Nina’ sa M’duque

BOAC, Marinduque, Peb. 17 (PIA)– Nagsagawa kamakailan ng relief operation ang Taiwan Buddhist Tzu Chi Foundation Philippines sa Marinduque upang magbigay-tulong sa mga biktima ng bagyong Nina sa lalawigan.

Sa kanilang pagbisita sa bayan ng Mogpog, sinalubong ang mga kinatawan ng Tzu Chi Foundation ng masigabong palakpakan mula sa 277 benepisyaryo bilang tanda ng pasasalamat sa binigay nitong relief goods.

Sa Boac naman ay may 214 ding indibidwal na nabigyan din ng relief goods.

Matatandaan na noong Disyembre 26, 2016, binayo ng malakas na bagyong Nina ang lalawigan. Makalipas ang dalawang linggo, nagtungo ang mga volunteer ng Tzu Chi Foundation upang malaman at masuri ang tindi ng pinsalang iniwan ng bagyo.

Kaya naman bumalik ang mga ito sa Marinduque upang mamahagi ng tulong sa mga lubusang naapektuhan ng bagyo.

Maliban sa dalawang bayan ay nakatanggap na rin ang mga nakatira sa bayan ng Gasan at Buenavista ng ayuda mula sa nasabing foundation. Samantala, ang mga benepisyaro naman ng bayan ng Sta. Cruz at Torrijos ay nakatanggap na rin ng tulong noong Peb.11. (ADSD, PIA-MIMAROPA/MARINDUQUE)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s