Tagalog news: ‘Operasyon Taghoy’ ng Uplift Internationale ipinagpatuloy muli sa Marinduque

BOAC, Marinduque, Peb. 17 (PIA) – Nagalok ng libreng operasyon ang Uplift Internationale (UI) para sa mga batang may cleft lip at cleft palate o mas kilala sa tawag na bingot sa lalawigan kamakailan.

Ang operasyon ay isinagawa sa Dr. Damian Reyes Hospital.

Sa pakikipagpanayam kay Edith Pasion, isa sa mga nurses na kabilang sa UI, ang proyektong ito ay tinaguriang ‘Operasyon Taghoy’ na isinasagawa sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas.

Pangalawang taon nang naisagawa ang naturang proyekto sa Marinduque, na nagsimula noong Pebrero 2016.

Dagdag pa niya, ito ay isang paraan lamang ng kanilang patuloy na pagtulong sa mga batang may facial deformities at pamimigay ng karagdagang gamot sa bawat pasyente.

Bago naman sila i-discharge ay binigyan din sila ng payong medikal upang mapagpatuloy nila ang gamutan sa bahay at para maiwasan ang komplikasyon na pangamba naman ng ilan.

Bukod sa operasyon na kanilang ipinaabot ay namigay rin ang Uplift Internationale ng relief goods bilang pag-alalay sa mga nabiktima ng bagyong Nina noong nakalipas na taon.

Samantala, libreng pagkain naman ang ipinagkaloob ni Gob. Carmencita O. Reyes at libreng pamasahe naman ang inihandog ni Bise-Gob. Jun Bacorro para sa mga nagmula sa malalayong barangay. (ADSD/PIA-MIMAROPA/MARINDUQUE)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s