Tagalog news: Eroplano ng Cebu Pacific, bumibyahe na sa isla ng Tablas, Romblon

ALCANTARA, Romblon, Peb. 17 (PIA) — Nagsimula nang bumiyahe noong Pebrero 15 ang subsidiary ng Philippines’ leading airline na Cebu Pacific, Cebgo, sa mga bago nitong ruta sa isla ng Tablas, Romblon at Masbate.

Nagpahayag ng kasiyahan si Cebgo President and CEO Alexander Lao dahil sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Romblon sa kanilang unang paglapag sa Romblon Airport sa Bgy. Tugdan, bayan ng Alcantara.

“CEB is very excited to begin flying to and from these destinations, knowing this move will provide every ‘Juan’ a more convenient travel option. We are especially pleased to be the only airline flying to the Marble Capital of the Philippines, Tablas, Romblon, on top of offering more seats available to and from Masbate (Ang CEB ay nasasabik na magsimulang lumipad patungo at pabalik sa iba’t ibang destinasyon, batid na magbibigay ito sa bawat ‘Juan” ng mas maraming maaginhawang opsiyon sa pagbyahe. Kami ay particular na natutuwa na kami ang nag-iisang kompanya ng eroplano na lumilipad sa kabisesa ng Marmol sa Pilipinas – ang Tablas, Romblon, maliban pa sa paghahandog ng maraming upuan patungo at pabalik ng Masbate) ,” ayon kay Lao.

Ayon kay Lao, naniniwala ang CEB na parehong mga manlalakbay na pakay ay leisure at business ang matutuwa sa pagbisita sa parehong lugar (Romblon at Masbate), para mas higit pang mapaigting ang pagnenegosyo at turismo.

Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, ang pinakamababa nilang one-way all-in year round fare galing Manila patungong Tablas ay PhP 2,439 habang PhP 1,879 naman galing Manila patungong Masbate. Dagdag pa nito, ang pagdagdag ng mga bagong rutang ito ay magpapalakas ng cargo services sa bahaging ito ng Luzon, particular sa mga rehiyon ng Bicol at Mimaropa.

Sa maikling programa na ginanap sa Romblon Airport, malugod na sinabi ni Alcantara Mayor Eddie Lota na buong puso nilang tinatanggap sa kanilang bayan ang pagbiyahe ng eroplano ng naturang kompanya ng paliparan at sana ay magtu-tuloy tuloy na ito.

Laman din ng talumpati ni Governor Eduardo Firmalo ang pasasalamat sa pamunuan ng Cebu Pacific Airlines dahil makakatulong ang eroplano nito upang mapabilis ang transportasyon sa probinsiya at makatutulong din ito sa paglago ng turismo dito.

Apat na beses sa loob ng isang linggo ang regular na biyahe ng Cebu Pac galing Maynila patungong Tablas Island at vice versa tuwing araw ng Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo gamit ang bago nilang ATR 72-600 aircraft.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s