Tagalog news: DILG, inilunsad ang programa kontra-katiwalian, droga sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Pebrero 17 (PIA) — Pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng Puerto Princesa at Palawan ang panlalawigan at panlungsod na paglulunsad ng Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga (MASA MASID) kamakailan.

Layon ng programa gobyerno na mapa-angat ang pakikipabahagi ng komunidad sa pamamagitan ng sama-samang suporta ng mga mamamayan, faith-based at sibikong organisasyon, maging ng mga pribadong sektor para labanan ang iligal na droga.

Hangad rin nito na mapalakas ang adbokasiya at kampanya sa lebel ng mga pamayanan; ilahok ang komunidad sa pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagalalagay ng mekanismo ng pag-uulat hinggil sa mga gawaing may kinalaman sa bawal na gamot; bumuo ng grupo na hihikayat upang magbahagi ng alin mang paraan upang mapabilis ang pagpapatupad ng Community-Based Rehabilitation Program.

Samantala, sa pananalita ni DILG Assistant Secretary Ricojudge Janvier Echiverri na siyang nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa nasabing aktibidad, nag-iwan ito ng hamon sa mga ahensya ng pamahalaan nasyunal man o lokal na himokin ang mga mamamayang nasasakupan upang maisakatuparan ang pagpapalakas ng kampanya ng gobyerno.

Naglatag din ng kanilang mga tungkulin sa MASA MASID ang bawat ahensyang katuwang dito sa pamamagitan ng kanilang mga inilaang programa tulad ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa lalawigan at siyudad.

Iniulat naman ng pamunuan ng mga opisina ng City at Provincial Police ang kanilang mga naisakatuparang programa kontra sa iligal na droga.

Sa huli, lumagda ang lahat ng partisipante sa MASA MASID ‘Pledge of Commitment’ kasama ang mga opisyales ng barangay na dumalo sa aktibidad. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

16507808_1533936599968791_7273174804711192025_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s